5/27/13

Upbeat Updates From the Set

Nora Aunor Studied Ilocano For Her Role...
Personal na dumalo si Direk Mes De Guzman sa Nora at 60Birthday Tribute ng TV5 at mga Noranians noong May 21 para batiin sa kanyang kaarawan ang Superstar na si Nora Aunor. Si Direk Mes ang direktor ni Nora Aunor sa bago niyang indie film na Ang Kwento Ni Mabuti ng Cine Larga at Sampay Bakod Productions.  

Sa birthday tribute ni Ate Guy (Nora's monicker) unang ipinalabas ang ilang importanteng eksena ng indie film na kalahok sa gaganaping 1st CineFilipino Film Festival... Sabay na in-interview sina Ate Guy at ang kanyang direktor tungkol sa nasabing obra. Kasama ni Direk Mes sa pagtitipon ang kanyang wife, Ms.Rhea De Guzman, siya ring line producer ng Ang Kwento Ni Mabuti; at si Edelyn Laguit, ang dialogue coach ni Ate Guy.

Nabanggit ni Nora na ang isa sa pinaka-naiiba sa bago niyang pelikula ay ang pagsasalita ng Ilocano throughout the film. "Mahirap bigkasin ang salitang Ilocano dahil matigas ang mga salita," aniya.

All-praises naman si Direk Mes sa kanyang lead actress. "Mahusay si Ate Guy, hindi lang sa pag-arte, kundi sa pagsasalita ng Ilocano, considering na bago ito sa kanya at first time nga lang niyang ginawa."

Banggit naman ni Ms. Edelyn, bilang dialogue coach ni Nora:  "Mabilis siyang mag-memorya at pumik-ap ng dialogue, kaya bilib sa kanya ang lahat sa set." Kasa-kasama ni Nora si Edelyn, bago umpisahan ang halos lahat ng mga eksenang kinunan. Dagdag pa ni Edelyn, na isa ring indie actress:  "Napakalaking bagay ang maka-trabaho si Ate Guy; isa siyang mabuti at mabait na artista.  Hindi ka maiilang, kasi siya mismo yung lalapit sa iyo. Approachable siya... siya yung artista na ang bilis maka-pick up [ng salitang Ilocano]; puro impromptu 'pag nag-Ilocano siya.  Hindi ako nahirapang turuan siya."

Bilang line producer, excited naman si Rhea De Guzman sa upcoming film ng kanyang director-husband, who also helmed the much-awarded, Diablo (2012), at last year's Cinemalaya Philippine Independent Filmfest.

"About 80 percent of the film, na-edit na ni Direk Mes... pero ayaw muna niyang ipasilip. Surprise daw!" natutuwa niyang banggit. "Confident siya, at ang lahat naman, na meron tayong magandang pelikula, dahil napakahusay ng ating bida na si Ms. Nora Aunor!"

REAL STORIES.  Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Mes De Guzman at Ms. Rhea sa birthday party ni Ate Guy at sa ilang pagkakataon habang nagsu-shooting si Nora Aunor sa Nueva Vizcaya.

Sa pagkakaroon niya ngayon ng pelikulang bida si Nora Aunor ay masayang-masaya si Direk Mes: "Ako naman, hindi ko naman inambisyon [na isang Nora Aunor ang magbida sa pelikula ko]... so, isang pangarap ito na natupad."

Sa Ang Kwento Ni Mabuti ay ginagampanan ni Nora Aunor ang papel ng isang manghihilot (folk healer), si Mabuti, o si "Nanang" Mabuti.  

Isa siyang maralitang probinsiyana; nagsasaka ng maliit na lupain sa liblib na baranggay sa norte (sa Bgy. Darapidap, Aritao, Nueva Vizcaya kinunan ang kabuuan ng obra).  Kuntento siya, hikahos man 'ika nga, kasama ang kanyang balong ina ('Apong' Guyang) at apat na apo, mula sa mga anak na may sari-sarili nang buhay.  

Ang katahimikan ng buhay ni Mabuti ay biglang magkakaroon ng kumplikasyon sa pagkakatuklas niya ng isang bag na naglalaman ng kung ilang milyong piso.  

As previously mentioned, Ang Kwento Ni Mabuti, is a morality tale that speaks of time-honored values. "A test of character, or a person's honesty and true worth," banggit din ni Direk Mes sa isa niyang panayam.  "Kung makakita ka ng ganu'ng kalaking pera, ano ang iyong gagawin?"

Playing major support to Nora Aunor si award-winning character actress Sue Prado as Nelia; gayundin si Ms. Ama Quiambao, in a special cameo appearance, bilang si "Nanang" Ising. Matapos ang tatlong dekada mula nang magsama sila sa klasikong Himala (1982) nina Ricky Lee (writer) at National Artist Ishmael Bernal (director), nagka-eksenang muli sina Nora at Ama, na nagbida sa Diablo ni Direk Mes.

The screen reunion was, indeed, significant, at kapwa masaya sina Ama at Nora sa naulit na pagkakataon, albeit in a very short scene. Sa Ang Kwento Ni Mabuti, sila ay magkaibigan na laging may panahong tulungan ang isa't isa. Nang una silang magka-trabaho, gumanap si Nora bilang isang faith healer, si Elsa; at si Ms. Ama, ang kanyang tagasunod, si Sepa. This time, ayon kay Direk Mes:  "Nagsimula ang idea ng... Kuwento Ni Mabuti, noong 2005.  Base ito sa isang healer, yung tinatawag nating manggagamot ng mga nakakagat ng aso at  ahas.

"Actually, nakagat kasi ako ng tuta [puppy] ko.  Then, may nagsabing kapitbahay na magpunta raw ako sa isang liblib na baryo; duoon ko na-meet yung manggagamot—isang dalaga. Then, tiningnan niya yung sugat ko. Sinabon niya, may dasal-dasal pa siya; nilawayan niya.  At mayroon siyang batong puti. Na-intriga ako doon.  Habang ginagamot niya ako, nagkuwentuhan kami.

"Namana raw niya ang panggagamot, sa nanay  o lola niya.  One time, naglalakad siya sa gubat, may nasalubong siyang puting cobra.  Unusual yon dahil hindi puti ang cobra. Tapos, dun sa ibabaw [ng ulo nito], may batong puti. At yun ang kinuha ng nanay niya, para ipanggamot.  Ipinasa na lang sa kanya."

Mula sa germ o idea na 'yon ay nakabuo si Direk Mes ng kuwento tungkol sa isang manggagamot [herbalist] at hilot, at sa kaugnayan niya sa mga tao at lipunang kinabibilangan, among poverty-stricken rural folks.

It took him about 8 years bago magkaroon ng katuparan ang proyekto, na una niyang nilayon bilang isang maliit na pelikulang katulad ng kanyang much-celebrated second film, Ang Daan Patungong Kalimugtong (2005). "Nang pumasok ang CineFilipino, sabi ko, 'Gusto kong sumali, gusto kong isali ito...'


"Simpleng kuwento, noong una, ang naisip kong bidang character, lalake.  Nang isinusulat ko na ang script [para sa CineFilipino] ginawa ko nang babae yung character.  At that time, nanay pa siya. "Actually, sinulat ko ito [script], one day lang, kasi buung-buo na sa akin yung character, yung mangyayari. Deadline na kinabukasan, at inspired ako kaya madali ko siyang natapos."

Dahil based na sa Nueva Vizcaya ang pamilya ni Direk Mes, ang script ng Ang Kuwento Ni Mabuti ay ipinadala niya sa opisina ng CineFililipino, sa pamamagitan ng LBC o Victory Liner.

"Sa kagandahang suwerte, napili siya.  Pero hindi ako masyadong kuntento sa script, kaya binago ko ang ilang detalye nito.  Ginawa kong lola yung character ni Mabuti; then, may mga apo siya, na apat na babae.

"May anak siyang babae at lalake na laging wala sa kanya.  Buo na sa isip ko na dapat wala lagi itong mga anak niya, kaya close siya sa mga apo niya.  At close din siya sa nanay niya, si Apong Guyang. Sina Arnold Reyes [Ompong] at Mara Lopez [Lucia] ang gumaganap bilang kanyang mga anak. Ordinaryo sa ganitong set-up, sa probinsiya, na magkakasama sila sa bahay," pagtukoy pa ni Direk Mes, na isa ring premyadong mandudulang-pampelikula.

HOW NORA AUNOR CAME TO BE 'MABUTI.'  Sa umpisa, mga local actors ang nakatakdang gumanap ng mga pangunahing papel sa Ang Kwento Ni Mabuti. Patuloy ni Direk Mes:  "Maliit na pelikula... kaya ang naisip ko [na gaganap], local actors...naniniwala kasi ako sa visuals.

"Puspusan ang ginawa naming auditions, mga workshops," sabi pa niya. "Pumupunta kami sa iba't ibang lugar talaga. Mahalaga sa akin yung 'look', e.  Siguro dahil may background din ako sa painting. Gusto ko, pag nakita mo, yun na yon.  Hindi na niya kailangang magsalita.  Makukuha mo na yung statement, o ang ibig sabihin [ng mga eksena]."

Sa audition na ito nadiskubre ng CineLarga Productions (pag-aari ng mag-asawang Mes at Rhea De Guzman) ang mga kabataang mag-aaral na gumaganap bilang mga apo ni Mabuti: sina Angela Ordinario, Kathleen Luares, Safron Ventura, at Trinity Aragon.

Meanwhile, ang gumanap na ina ni Mabuti ay isa ring local veteran actress, named Josephine Estabillo, a former baranggay chairman, bilang si "Apong Guyang."  Gumanap na siya sa isang naunang indie film ni Mes De Guzman.

Ang pagiging bahagi ni Nora Aunor, ng bago niyang obra, ay wala sa naunang plano ni Direk Mes. Banggit pa niya, "Nu'ng nanalo nga [ang script] sa CineFilipino, at pini-pitch ko, may nagbanggit na...napag-usapan daw sa committee na ang sabi, 'Ang magandang pumapel dito... na nababagay is Nora Aunor!'"

Natuwa si Direk Mes, although hindi agad siya naging ganu'ng kasigurado sa narinig. "E, siyempre, Nora Aunor yan!  Ako naman, hindi ko naman inambisyon... so,  isang pangarap ito na natupad!  Ito na...!" bulalas nga niya. "So, yun nga.  Sabi nila, 'Kunin natin si Ate Guy diyan!'  Sabi ko naman, 'Kung magagawa natin, di sige...' "Nagpapasalamat ako, naging smooth naman yung pagkuha, kasi ang bilis ng pangyayari, e.  Hindi naman ako nahirapan.

"Na nagustuhan [ng TV5] yung concept ng Mabuti, isa ako sa mapalad na gumawa ng pelikula para kay Ate Guy," masayang sambit pa ni Direk Mes.

ON WORKING WITH NORA AUNOR.  Sa isang malaking eksenang kinunan, sa itaas ng bundok na dinaraanan ng mga sasakyang lumuluwas sa bayan, sangkot dito ang maraming extra, bilang mga pasahero ng isang provincial mini-bus, na bumibiyaheng Kalimugtong (in reference to Mes De Guzman's award-winning film).

Hindi nahirapan ang production team nina Mes at Rhea De Guzman dahil, on hand para tumulong, ay ang hukbo ng mga Noranian (supporters, mula sa Noranians Worldwide/NOW at Nora's Friends Forever/NFF) na bumisita sa location, in far-off Aritao, Nueva Vizcaya. Involved sa eksena bilang co-passengers ang character na ginampanan nina Nora at Sue Prado, a mysterious acquaintance of Mabuti.

Matapos ang shoot ay nakapanayam sina Direk Mes at Ate Guy ng TV5-Interaksiyon Team at ng PEP. Naroon rin ang miyembro ng CineFilipino Filmfest Monitoring team, sa pangunguna ni Mr. Vincent "Ting" Nebrida, festival director.

"Ah, itong eksena na ito, actually, napakahirap, kaya hiningal ako," banggit ni Direk Mes. "First time kong gumawa ng eskena sa bus, na doon halos mabuo yung isang eksenang mabigat.  Kasi crucial itong eksena na ito sa pelikula.  Medyo na-drain ako, kahit papa'no.'

Pero, siyempre, nagbibigay-lakas sa akin yung character ni 'Mabuti' na ginampanan ng ating Superstar na si Nora Aunor. Na nakaka-amaze... ibang klase!" overwhelmed na pagtukoy ni Direk Mes. "Yung acting style ni Nora Aunor dito, instinctive, e," sabi pa niya.  "Konting instructions ko lang, kuha na niya kaagad. Nakakagulat!"

Kung may naging problema man, yun ay ang pagiging "star-struck" daw ng mga extras na mga Noranians. "Nai-starstruck sila pag umaarte si Ate Guy.  So, nadi-distract si Ate Guy, kasi lahat sila nakatingin [sa kanya]! "E, yung flow ng kuwento, dapat pasahero lang sila, di sila dapat nakatingin kay Ate Guy," sabi pa ng direktor. Gayunman, na-pull off nang maayos ang nasabing eksena hanggang sa mga sumunod pang crucial scenes, na hindi muna puwedeng idetalye ng writer-director.

HAPPY WORKING WITH DIREK MES AND STAFF/CREW AND VICE-VERSA.   When asked kung ano naman ang damdamin niya sa naging pakikipag-trabaho kina Mes De Guzman at sa buong production staff and crew ng Ang Kuwento Ni Mabuti, Nora Aunor stated: "Masaya ako, kasi lahat ng kasamahan namin dito, masaya.  Alam mo naman ako, pagka sinabi kong masaya at ganado ako, ibig sabihin, mula sa direktor namin hanggang sa pinaka-maliit na kasamahan namin dito, walang kaproble-problema. Puro tawanan kami dito, 'pagka wala pang shooting. Du'n kami nag-e-enjoy, kaya sinasabi ko, masaya.  At pagka masaya ako, kahit medyo pagod ako nang konti, dahil sa sobrang init, parang hindi rin ako napapagod."

May pressure ba sa part ni Mes De Guzman ang pag-handle ngayon kay Nora Aunor, matapos nitong gawin ang much-awarded indie film na Thy Womb?

"Uhm, paano ko ba sasabihin? Actually, nabanggit ko nga, ang plano ko lang, mga locals [Nueva Vizcaya-based actors] ang kunin.  Nung may magbanggit naman sa TV5, why not kunin si Ate Guy, kasi magpi-fit siya sa role, naisip ko din, 'Oo nga, ano?  Talagang bagay siya sa role! So, du'n... na-excite na ako du'n!  Parang hindi ko nararamdaman ang pressure, e... kung mayroon man. Kasi nu'ng dumating si Ate Guy, jive kaagad.  Ewan ko rin kung ano'ng meron. First day, second day [of shooting held on the third week of April],  based du'n sa kuwento niya [Nora], tawanan, masaya! Actually, parang isang malaking picnic lang itong ginagawa namin. I think, kahit kay Ate Guy, walang pressure, e.  Kasi magaan yung set."  

"Maski du'n sa previous films ko [Diliman, Ang Daan Patungong Kalimugtong, Balikbayan Box, Sa Kanto Ng Ulap At Lupa, Ang Mundo Sa Panahon ng Bato), ganu'n ang gusto kong atmosphere; ang gusto kong mood ng set-up, ng shoot. Kasi, mas makakagalaw; makakapag-isip ka ng kung anong atake ng eksena. I think, ganun din si Ate Guy.  So, ayun, mabuti... I think, magiging 'mabuti' itong pelikulang ito," biro pa ni Direk Mes.

POSITIVE CHARACTER.  Bilang isang tauhan ng dulang pam-pelikulang pinagalaw sa kontemporaryong panahon, si Mabuti, as portrayed by Nora Aunor ay isang napaka-positibong karakter.

Ani Nora tungkol sa kanyang karakter:  "Si Mabuti ay isang masayahing tao, mapagmahal na anak, at yung pamilya nila, kahit na mahirap, nasa isang lugar o bahay lang na maliit, makikitaan mo sila ng kasiyahan.

"Hindi sila naghahanap ng karangyaan.  Pero makikita mo yung pagmamahalan nila; pagtutulungan, katulad ng mga anak nila.  

"Sa trabaho, masaya ang grupo namin dito; nag-enjoy ako. Kaya nalungkot ako nang magtapos na ang shoot namin. Nagkahiwa-hiwalay na kami.  Ganu'n kasi kami kasaya...walang problema!

"At lahat ng salita ko dito, 100 percent in Ilocano.  Kakaiba ito, na naging challenge din sa akin ang paggawa ng pelikula, dahil ngayon lang ako nagkaroon ng pelikula na Ilocano ang salita, sa kabuuan.

"Magaling ang aming dialogue coach na si Ms. Edelyn [Laguit].  Bago mag-take, binubusisi niya ang aming mga dila sa pagsasanay ng mga salitang Ilocano.  Awa ng Diyos, nakukuha naman namin."

MAINSTREAM OR INDIE CINEMA?  Anong uri ng pelikula ang mas nakaka-excite at kinasisiyahan niyang gawin, sa puntong ito? "Ay, nag-e-enjoy ako sa indie!" sabi ni Nora.  "Ngayon, ha, nag-e-enjoy ako sa indie [independently-produced films]. "Para sa akin kasi, ang indie, nakikita mong maganda yung ginawa mo.  Hindi ko kasi puwedeng tawaging 'indie' yun, e. Parang puwede mong ilaban yun sa mainstream, yung ginagawa mong indie sa ngayon. Marami kang nakikita, direktor na kabataan na magagaling talagang magdirek.
Tulad ni Direk Mes... hindi porke katabi ko siya..." natutuwang sambit ni Ate Guy.   "Si Direk Mes, talagang cool na cool sa set.  Pero 'pagka pinanood mo ang kabuuan ng kanyang pelikula,  talagang masasabi mong maganda yung kanyang pelikula. At puwedeng ipanlaban kahit saan."

Bago mag-shoot ng Mabuti, pinanood nga ni Ate Guy ang huling obra ni Mes De Guzman, ang Diablo, at para sa kanya'y impresibo ang pelikula. Also, Nora Aunor takes pride in the fact na ang lahat ng mga major co-actors and staff na kasama niya sa Ang Kuwento ni Mabuti ay mga premyado. "Sina Sue Prado, Arnold Reyes, Mara Lopez... si Tita Ama [Quiambao], mga award-winning actors silang lahat. Pati ang mga nasa production, bukod kay Direk Mes [writer-director, editor, music scorer, production designer]; si Albert Banzon, ang cinematographer, at si Kuya Cesar Hernando, ang aming production designer...

"Natutuwa ako na magagaling ang lahat ng mga nakasama ko ngayon sa pelikula namin," sambit pa ni Ate Guy.

NORA AS A FOLK HEALER.  Para kay Direk Mes De Guzman, maraming kakaibang eksena na ginawa ang Superstar sa Ang Kwento Ni Mabuti.

At may patotoo tungkol dito si Direk Mes.  Aniya, "'Yun nga ang sinasabi ng mga fans, na first movie ito ni Ate Guy na may straight dialect siya.  So yun, nakaka-excite!

"May bago na ipapakita si Ate Guy, bukod dun sa kuwento ng pelikula, na set talaga sa location, sa Nueva Vizcaya.

"Napaka-challenging para kay Ate Guy nito; wala pa silang nakikita [sa ibang pelikula niya] na naglalakad nang mahaba at tumatawid ng mga bundok [si Ate Guy] na may hila-hila pa siyang baboy! O kaya'y nagta-trabaho sa gubat [working on the water pipes], tending the animals, tilling the soil, apart from her main occupation, as a folk healer.

"I think, mga bagong images ito, na hindi pa nakikita na ginawa ni Ate Guy. So, kung excited na ang mga fans, kami rin," masayang-masayang sambit pa ni Mes De Guzman.

5/24/13

Starting the shooting

Nora Aunor is cast as a folk healer...
Nagsimula nang mag-shooting ang Superstar na si Nora Aunor para sa kanyang bagong indie film, Ang Kwento Ni Mabuti, na mula sa panulat at direksiyon ni Mes De Guzman. Si Direk Mes din ang co-producer ng indie feature, sa pamamagitan ng Sampay Bakod Productions-CineLarga, katuwang ang kanyang asawa na si Rhea De Guzman, na nagsisilbi bilang line producer. 

Ang Kwento Ni Mabuti ay isa sa 8 entries na napili mula sa 146 entries na sumali sa 1st edition ng CineFilipino. March 20 nai-schedule ang unang araw ng shoot. Ginanap ito sa isang liblib na baranggay (Darapidap) sakop ng Aritao, Nueva Vizcaya, a six-hour drive from Manila. 


Pasado alas-siyete ng gabi nakunan ang unang dalawang eksena ni Ate Guy, involving the actress and some local kids (Nueva Vizcaya-based), pawang mga babae na nakapasa sa audition na isinagawa ng CineLarga sa ilang eskuwelahan sa Nueva Vizcaya. 


Ayon sa line producer na si Rhea, mahigit sa isandaang kabataan ang in-audition upang gumanap na mga apo (grandaughters) ni Ate Guy. Ang Superstar ay gaganap bilang si Mabuti, isang karaniwang hilot (folk healer) at albularyo (herb medic) sa liblib na pook sa may hilagaan (northern province). Sa kuwento ay may dalawang anak si Mabuti (Nora): sina Ompong, gagampanan ni Arnold Reyes; at Lucia, na gagampanan ng young actress na si Mara Lopez. Kasama rin sa cast si Sue Prado, bilang si Nelia; a pivotal character, na magiging kaibigan ni Mabuti at magiging daan para ma-test ang kanyang pagkatao. Playing Nora's mother is another local veteran, 65-year old former school principal, Josephine Estabillo, as Apong Guyang. 


In Nueva Vizcaya, great grandmothers are called "Apong"; grandmothers are called "Nanang"; and mothers are called "Inang." Nora, therefore, is "Inang" Mabuti in this indie film; she is poor but contented, has "problems" with her children but love them, unconditionally; she is meek and principled and this will show until the story's end.


Another "first" for Ate Guy is that she will speak Ilocano throughout the film. 


Ayon kay Nora, enjoy siya sa mga unang ginawang eksena. "Oo, siyempre naman," bungad niya sa maikling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) in-between takes."Lahat ng gagawin natin, enjoy ako... siyempre, nasa puso 'yan." Did Nora find it difficult to speak her lines in Ilocano? Hindi ba ito mahirap para sa isang Bicolano na tulad niya? "Hindi naman," sabi ni Ate Guy. "Bakit naman ako mahihirapan, hindi naman ako nagi-internalize [in Ilocano], e. Ang ini-internalize ko yung sakit ng paa ko..." pabirong sabi ni Nora. 



FIRST DAY "JITTERS". Ang namamagang kanang paa ay iniinda pa ni Ate Guy mula nang dumating siya mula sa U.S. noong March 3. Mahapdi ang paa niya noong dumalo siya sa mga awarding ng NCCA-Ani ng Dangal, PMPC Star Awards for Movies, at Asian Film Awards (AFA) sa Hongkong, at bumalik ng bansa noong March 19. 

Sa katunayan, noong bumiyahe sina Ate Guy at mga kasama papuntang Nueva Vizcaya last March 20, kumikirot pa rin ang kanyang kanang paa. Pero sa kabila ng pamamaga niyon, pinilit din ni Ate Guy na tapusin ang naitakdang kunang dalawang sequences nang gabing yon. Nangiti si Ate Guy pagkabanggit ng biro. 


"Pero, magaling si Direk [Mes]. Oo naman," sabi rin niya. It was past 9 p.m. at pusikit ang kadiliman sa set na napapaligiran ng matataas na puno sa may bulubundukin ng Darapidap, Nueva Vizcaya. 


Ang nilikhang set ng produksiyon, sa pamamagitan ng Art Department na pinamumunuan ni Cesar Hernando, production designer, ay mistulang totoong barung-barong na nasa may itaas ng elevated land area, overlooking a small creek, sa paligid ng magandang foliage na nasa gitna ng matataas na bundok. Napaka-matulain ng location at ito ang magiging mundo ni Mabuti at ng iba pang tauhang uugnay sa central character. 


Bukod kay Hernando, kabilang sa staff ni Direk Mes sina Albert Banzon (director of photography), John Paul "Japo" Joaquin Escobedo, acting coach at aktor; at veteran actress, Amable "Ama" Quiambao, na mayroon ding cameo appearance, kasama si Ate Guy. Ang unang appearance ni Ama Quiambao sa pelikula ay bilang si Sepa sa pelikulang Himala (1982) ni Ishmael Bernal.Last year, bida naman si Ama sa Cinemalaya New Breed entry, Diablo (2012), ni Mes De Guzman. Nanalo siya ng una niyang Best Actress award sa nasabing indie film na nagwagi ring Best Film at iba pang major awards (for Direction and Screenplay) sa 8th Cinemalaya Film Fest. 


Sa Ang Kwento Ni Mabuti ay magre-reunite sina Ama at Nora pagkatapos nilang magkasama sa Himala, kunsaan bida si Nora bilang Elsa, ang lead character. Incidentally, itinanghal ng PETA kamakailan (March 15 - 24) ang Himala: A Celebration of the Musical, sa direksiyon ni Soxy Topacio.



CELEBRATION OF LIFE AND LANGUAGE. Sinasabi ngang ang kaluluwa ng isang bansa ay ang taglay nitong wika. 

Bakit Ilocano ang napiling maging lengguwahe ng pelikula? "Actually, ang gusto ko dito, pure Isenay," banggit ni Direk Mes sa PEP.ph. "Kasama 'yon sa iba't ibang language sa Nueva Vizcaya: may Ibanag, merong Cagdang...Yung isang lead character, si Apo Guyang, yung matanda, na pinaka-nanay ni Ate Guy dito, marunong siyang mag-Isenay, e. Ang gandang pakinggan [ng Isenay], parang ibon sila pag nag-uusap. Kaso, sabi ko, parang kulang sa oras. That time, parang hindi pa namin nakukuha ang commitment ni Ate Guy, e. Siguro, kung mas maaga... kung nasabihan kami, by January, maipapadala ko yung script, na Isenay [ang dialogue]. Maganda, e. Siyempre, wala pang gumagawa ng gano'n." 


For lack of time, hindi natuloy na gawing Isenay ang dialogue. "Sabi ko, sige, ang compromise ko, Ilocano na lang. Which is isa din sa mga lengguwahe dito sa Nueva Vizcaya." 


"INANG" ILOCANA. Sa sumunod na shoot, on March 21, maaga ang call time ni Direk Mes para sa kanyang artistic staff. Same location, sa barung-barong ni Mabuti at Apo Guyang; at ng mga apo, na kabilang sa kinunang eksena ang isa sa mga ito, si Angge, ginampanan ni Angela Ordinario. Ang tatlong iba pang batang tubong-Nueva Vizcaya ay sina: Trinity Aragon, as "Kate Winslet"; Kathleen Luales, as Katkat; at Safron Ventura, as Lenlen. Sa kuwento, ang mga apo ni Mabuti (Nora), ay anak ni Lucia (Mara Lopez), sa iba't ibang lalake.



Pagdating ni Nora sa set, around 9 a.m. ay handa nang mag-roll ang camera, at agad ngang kinunan ang eksena; hinihilot ni Mabuti ang apong si Angge, habang nagwawalis sa bakuran si Apo Guyang. Light, heartwarming scene ang kinunan, between "Nanang" Mabuti and her apo, na nasusungitan kay Apo Guyang. Nagtatawanan ang mag-lola (Nora at Angela). 

Next, ang eksenang pinuntahan si Mabuti ng dalawang binata (in cameo appearance), dahil nakagat ng aso ang isa sa mga ito. Galing sa pagpapakain ng mga alagang manok at pamimitas ng mga tanim na gulay si Mabuti. Agad niyang pinatuloy ang magpapagamot sa itaas ng bahay niya. Ate Guy, as Mabuti, asked, "Amar ti napasamak? [Ano'ng nangyari sa kanya?]... Ang mga sumunod na dialogue, ay ugnay sa paggamot ni Mabuti sa binatang nakagat ng aso. Aniya, "Imbag ta haan nga nauneg..."... at "Agimbag ni Nonong, ngen mapukaw wen ti sakit ken rabies..." Sa huli, may pasalubong na mga gulay at saging na saba ang dalawang binata, as "tokens" sa pabor na hiningi kay Mabuti. "Apu! nagabala kayu pay...," nangiti si Mabuti, bilang pagpapasalamat. 


Sa kanyang mga ginawang eksena ay natuwa ang lahat kay Ate Guy, sa pangunguna ni Direk Mes at ng Ilocano dialogue coach, Ms. Edelyn Laguit, na siya ring production manager. "Ang bilis niyang pumik-ap ng mga salitang Ilocano; mabilis mag-memorize, bukod sa mahusay talagang umarte," sabi ng dialogue coach. Ayon kay Ms. Rhea, ang unang script ng Ang Kuwento Ni Mabuti ay ni-revise, upang mas umakma sa edad at personalidad ni Nora Aunor."Para sa kanya talaga ang pelikulang ito," sabi rin ni Direk Mes.



 -- WILLIAM REYES, Philippine Entertainment Portal (PEP)